Ikinalungkot ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Sa isang post sa Twitter, nagbigay-pugay ang bise presidente sa isang mabuting kaibigan, matapat at masipag na pinuno ng bansa. Kasama sa kanyang post sa social media ang black and white na larawan na nakikinig ng mabuti kay Aquino sa dating okasyon.

“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si PNoy.” ayon kay Robredo sa kanyang Twitter account

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

https://twitter.com/lenirobredo/status/1407902492591988738

“Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo. He tried to do what was right, even when it was not popular. Tahimik at walang pagod siyang nagtrabaho para makatulong sa marami.” aniya

Nagpaabot ng pakikiramay si Robredo, na inendorso ni Aquino na tumakbo bilang bise presidente noong eleksyon 2016, sa pamilya ni Aquino.

“He will be missed. Nakikiramay ako sa kanyang pamilya.” aniya.

Genalyn Kabiling