Pumanaw na si Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong Huwebes, Hunyo 24 sa Capitol Medical Center sa edad na 61.

Si Aquino, anak nina dating senador Benigno Aquino Jr. at dating pangulong Corazon Aquino, ay pumanaw "peacefully in his sleep," na inanusyo ng kanyang kapatid na si Pinky Aquino-Abellada.

"His death certificate pronounced his death at 6:30 a.m. due to renal disease secondary to diabetes. No words can express how broken our hearts are and how long it will take for us to accept the reality that he is gone." ayon kay Abellada habang binabasa ang pahayag ng pamilya nitong Huwebes ng hapon.

Para sa kanyang kapatid, aniya: "Mission accomplished Noy, be happy now with Dad and Mom."

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"We love you and we are blessed to have the privilege to have had you as our brother. We'll miss you forever." ayon kay Abellada

Sa naunang balita, isinugod si Aquino sa Capitol Medical Center sa Quezon City. Ang dating pangulo, na mas kilala bilang PNoy noong siya ay nagtatrabaho sa Malacañang, ay nabalitaang nakipaglaban sa lung and kidney ailments at dumaan sa dialysis para sa preparasyon ng kidney transplant. Kamakailan ay dumaan siya angioplasty procedure.

Nakita sa loob ng ospital nitong umaga ang mga Former Cabinet Secretaries ng dating pangulo, maging sina Mar Roxas at Rene Almendras.

Kilala si Aquino sa kanyang simpleng pamumuno, siya ay ang pang labing limang Pangulo ng Pilipinas.