Hindi na nakitang buhay ang isang Pilipina na dalawang taon nang nawawala, matapos itong patayin sa sakal at ilibing ng kanyang asawang Amerikano sa Colorado, United States.

Inaresto si Dane Kallungi, 38, ng Colorado Springs sa Albuquerque, New Mexico nitong Hunyo 16 sa pagpatay sa asawa nitong si Jepsy Amaga Kallungi, 26. Kinasuhan na ng first-degree murder ang una, ayon sa ulat ng FOX21.

Ayon sa pulisya, Marso 20, 2019 pa huling may nakausap ang biktima.

“There was talk about a separation but they were married at the time this incident had occurred,” pahayag ni Lt. Joe Frabbile kasama ang Colorado Springs Police Department sa isang press conference base pa rin sa ulat ng FOX21.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Pinatay umano ni Kallungi ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagsakal at inilibing ang katawan nito.

“Well, of course, the family and friends of Jepsy have always been concerned. Since March 2019, we’ve been in contact with family members in Hong Kong and Philippines and they’ve been advised of the arrest and are interested in recovering Jepsy,” pagbabahagi pa ni Lt. Frabbile.

Pinoproseso na ng awtoridad ang extradition kay Kallungi pabalik ng Colorado.

Sa isang ulat ng GMA News, nakahingi na ng tulong ang pamilya ng biktima mula sa pamahalaan ng Pilipinas at sa Philippine Embassy sa Washington upang makuha ang bangkay ng biktima.

Lumipad patungo ng Amerika si Jepsy noong 2017 para magpakasal kay Kallungi na nakilala nito sa isang dating website.

Jaleen Ramos