ILOILO CITY - Ipinagbawal muna ng Malay Municipal government ang pagsu-swimming at iba pang water-related activities sa Isla ng Boracay sa Aklan kaugnay ng piyesta ng St. John the Baptist sa Huwebes.
Ikinatwiran ni Malay Mayor Frolibar Bautista ang posibilidad ng hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Taunan aniya ang pagdiriwang ang piyesta sa pamamagitan ng pagtatampisaw at iba pang aktibidad sa coastal areas ng nasabing isla kaya nagpasya muna sila na ipahinto ito.
“However, during this time of pandemic, allowing the celebration of San Juan is considered dangerous as COVID-19 cases in the municipality is continuously rising. We are asking for your understanding as we cannot risk the further increase of COVID-19 cases,” sabi pa ng alkalde.
Tara Yap