BONGABON, Nueva Ecija - Isinailalim na sa 14-day quarantine ang 17 na health workers ng Bongabon District Hospital matapos bawian ng buhay ang isang 57-anyos na babaeng pasyente ng mga ito na pinaghihinalaang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kamakailan.

Binanggit ni Bongabon Mayor Allan Xystus Gamilla, sasagutin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng pagkain at pangangailangan ng mga health workers na naka-quarantine sa isang resort sa naturang bayan.

Naiulat na ang nasabing pasyente na isang vendor ng gulay sa Laur ng nabanggit na lalawigan, Nueva Ecija ay inatake sa pusoat dead on arrival sa ospital.

Nauna nang kumalat ang impornasyon na nahawaan ngt COVID-19 ang pasyente kaya isinailalim sa quarantine ang mga nasabing health worker.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring naitatalang kaso ng COVID-19 sa naturang bayan, pagdidiin pa ng alkalde.

Light Nolasco