Muling binuksan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Dario Bridge U-turn slot sa Quezon City upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa northbound lanes ng EDSA.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang pagbubukas muli ng U-turn slot sa Dario Bridge ay layuning mabawasan ang matinding trapik at oras ng biyahe ng mga motorista sa lugar.
“This would benefit the motorists because they can make a U-turn easily with a shorter route,” sabi ni Abalos.
Idinugtong pa ni Abalos na nakipagkoordinasyon na siya sa private contractor ng Common Station na kumokonekta sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit, isang proyekto ng Department of Transportation na matatagpuan sa pagitan ng SM North Edsa at Trinoma in Quezon City.
“I have requested BF Corporation to move back their fences at their work area to open more lanes for passing motorists and filled it with gravel so traffic obstruction could be avoided,” dugtong pa nito.
Aniya, ang naturang U-turn slot ay isinara noon upang bigyang daan ang EDSA Bus Carousel. Subalit base sa pag-aaral sa trapiko na ang pagbubukas muli nito ay magpapabuti sa daloy ng trapiko sa lugar.
Samantala, inihayag ni Abalos na ang ahensya ay laging nakikipagkoordinasyon sa concerned government agencies para pagbutihin at mobolidad at daloy ng trapiko sa Metro Manila sa kabila ng pagtaas ng bilang ng sasakyan sa kalsada.
“The next big thing in the next two years is the widening of the Balintawak area, one of the traffic-prone areas, that would widen the area to five lanes. The Department of Public Works and Highways (DPWH) shall work on the project for a period of one to two years,” sabi ni Abalos sa isang press briefing sa MMDA headquarters sa Makati City kamakalawa.
Mayroon din, aniyang, mungkahi na palawakin ang Camp Crame area sa Quezon City.
Para sa pagbubukas ng mas maraming alternatibonv ruta,dapat paigtingin ng ahensya ang kanyang road clearing operations sa Mabuhay lanes kasama na riti ang Department of Interior and Local Government at local government units.
“We shall intensify the clearing of Mabuhay lanes so they can be accessible, free from illegal obstructions,” pahayag ng MMDA Chairman.
Tiwala ang opisyal na ang mass transportation at mga ginagawang infrastructure projects ay karagdagang solusyob na mabawasan ang volume ng trapik sa Metro Manila.
Ang bilang ng mga sasakyan aniya ay nagsisimulang dumami, sa dahan-dahang pagbabalik za normal na mga aktibidad ng publiko sa Metro Manila.