Narinig niyo na siguro ‘yung 1Sambayan na basically e bagong pangalan ng Liberal Party. Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas, nang i-launch nila ang “1Sama Ako” app na puwedeng i-install sa mga smartphones. Ayon sa grupo, para raw ‘to sa kanilang mga supporter na gustong mag-volunteer (hindi malinaw kung anong klaseng pagvo-volunteer), at puwede raw manalo ng mga points ang users nito para gamiting pang-redeem sa mga rewards.

So parang political rewards card, in short.

Ok na sana, kaya lang e nadiskubre ng Manila Bulletin (MB) na sablay ang app. Medyo teknikal ang paliwanag ng MB pero ang suma total e may sablay sa design ng app, sablay na puwedeng i-exploit ng mga hacker para kuhanin ang personal details ng mga nag-register bilang volunteer. Ayon sa Google Play Store, mahigit 5,000 na ang nag-download ng “1Sama Ako,” kaya kung nag-register ang lahat ng iyon, mahigit 5,000 na user profile ang puwedeng manakawan ng private data.

Ayon sa Google Play Store, ang email ng app developer ay [email protected], na siya ring email na nakalista sa facebook.com/EntengRomano.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Makikita sa Facebook page na ito, na itong si Enteng Romano ay dating Tourism Undersecretary ni PNoy. Matapos kong malaman ito, hindi na rin ako nagulat na may sablay sa app ng 1Sambayan.

Si Enteng Romano ay kilala bilang pasimuno ng eLagda.com noong 2000, na ang habol e makakuha ng 1 million online signatures para ibagsak si Pangulong Erap Estrada.

Sumablay ang eLagda dahil nasa 100,000 lang ang pirmang nakalap pero pinadala pa rin sa Malacañang ang listahan. At dahil sinauna pa ang teknolohiya sa mga panahong iyon, hindi pa sigurado kung unique ang 100,000 signatures na iyon o paulit-ulit lang na pumirma ang ilan sa mga lumagda.

Si Enteng Romano rin ay kilala bilang pasimuno ng kotrobersyal “Pilipinas Kay Ganda” campaign ng Department of Tourism noong 2010, kung saan hinihikayat ang mga dayuhan na mamasyal sa Pilipinas pero Tagalog naman ang ginamit na wika ng kampanya.

Ilang foreigners ba ang nagta-Tagalog, aber? Paano mahihikayat ang mga foreigner kung kakausapin mo sila sa wikang hindi naman nila naiintidihan? Bukod pa rito, lumitaw na ang Pilipinas Kay Ganda ay parang kinopya lang sa isang tourism campaign ng bansang Poland, at ang ilang articles sa website nito ay kinopya lang rin sa isang treasure-hunting website.

Pinalakol ng Aquino Administration ang kampanyang ito ni Romano, at nag-resign si Romano sa Department of Tourism noong November 2010, o four months pa lang na nakaupo sa palasyo si PNoy.

Kung track record lang ang pag-uusapan, hindi kagulat-gulat na sablay ang 1Sama App, dahil kilala ang developer nito na napakaraming sablay noon.

Pero hindi pa diyan natatapos.

Inimbestigahan pa ng MB ang 1Sama App nang mas malalim. Napag-alamang isa sa mga IT provider nito ay ang Makati-based na kumpanyang Teravibe, na siya ring may hawak ng “Vote for Us PH” website ng election watchdog na National Movement for Free Elections (NAMFREL).

Mabilis na bumuwelta ang NAMFREL. Iginiit ng grupo na wala silang koneksyon sa 1Sambayan at nagkataon lang na ang kanilang “independent 3rd Party app development provider” na Teravibe ay siya ring may hawak ng 1Sama app ng 1Sambayan.

Totoo ba ‘yon? Independent 3rd party nga ba talaga? Ayon mismo sa website ng NAMFREL, ang President and CEO ng Teravibe na si Fernando “JR” Contreras Jr. ay nauupo rin bilang miyembro ng NAMFREL National Council.

“Independent 3rd Party” ba iyong mismong nasa loob ng kulambo ng NAMFREL?

At hindi lang basta-bastang miyembro ng NAMFREL National Council si Contreras: siya rin ay nauupo bilang kinatawan ng NAMFREL sa Comelec.

Ayon sa mga bid documents na inilabas mismo ng COMELEC, opisyal na kasama si Contreras sa pagsusuri ng mga bids para sa Automated Election System para sa 2022 Elections noong Enero at Pebrero 2021.

Paano tayo makakasiguro na patas ang trabahong gagawin ni Contreras sa NAMFREL at COMELEC kung kliyente mismo ni Contreras ang 1Sambayan?

Parang naglolokohan na naman tayo rito e.

Bukod kay JR Contreras ng NAMFREL, sinu-sinu pa kayang miyembro ng mga election watchdog ang may garapalang conflict of interest?

Malalaman natin sa mga susunod na araw. Nagkakalkal pa ako ng baho ng mga iyan.