Hindi napigilang maiyak ng dating Kapamilya comedienne na si Pokwang nang mag-guest sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS). First exposure ito ni Pokwang sa GMA-7 matapos pumirma ng kontrata at tuluyang maging Kapuso na. Very thankful ang magaling na komedyante nang i-welcome siya nila Boobay at Tekla. Positive vibes lang daw ang paumpisang sambit ni Pokwang.
Sa segment ng TBATS na “May Pa-presscon” sinagot ng komedyante ang mga katanungan nila Boobay at Super Tekla at ng mga Mema Squad. Pero before that ibinahagi muna ni Pokwang ang ginawa niyang pagkatok sa mga pader ng GMA-7 noong pagtuntong niya sa network. Bakit nga ba? Respeto raw niya ito dahil bilang isang bago sa tahanan ng mga Kapuso.
Pagsisiwalat ni Boobay naiyak daw si Pokwang sa dressing room. Sinagot naman ng komedyante kung bakit ito naiyak. Aniya habang umiiyak uli, “Na-overwhelm ako. Ano yun siguro dahil sa tears of joy kasi ang daming nawalan ng trabaho pero tayo nandito may hanapbuhay tayo ‘di ba. Patuloy natin masusuportahan ang pamilya natin. Very very thankful and so grateful. Sabi ko this is the first dressing room na pumasok ako bilang Pokwang na tinanggap sa network na ito ng GMA. Sobrang nagpapasalamat ako. Siguro yung iyak ko na iyun ah salamat sa nakaraan, salamat sa ngayon. Kung anong mayroon ako ngayon nagpapasalamat din ako.”
Ngayong nakalipat na si Pokwang sa GMA-7 may namumuo bang kaba? Sey niya, “Oo hindi mawawala iyon. Siyempre excited din ako sobra kasing bagong yugto ng buhay ko. Another chapter ng buhay ko bilang artista bilang ako diba. So looking forward talaga ako na makatrabaho kayong lahat dito sa Kapuso Network. Kahit naman noong nandodoon pa ako sa kabilang istasyon karamihan ng mga nakakatrabaho ko from GMA nakita ko rin naman talaga kung papaano nila ako mahalin bilang katrabaho bilang artista. So sabi ko parang hindi na magiging kumbaga magiging madali sa akin ang makatrabaho kayong lahat.”
Hindi maikakaila na may mga netizens na kumukuwestiyon sa loyalty ni Pokwang dahil nga dati siyang Kapamilya. Sinagot niya ang tungkol dito. Saad niya, “Hindi natin po sila masisisi kasi tayo talaga may kanya kanya tayong mga paniniwala, pananaw sa buhay. Pero kasi ang pananaw ko po sa buhay ko yung utang na loob is hindi mawawala. Habang buhay nandun iyon. Kahit saan ako nanggaling kahit saan tayo nanggaling kahit sino ka sinuman hindi po mawawala at hindi dapat inaalis iyon sa puso mo. Pero tandaan po natin na yung pamilya po natin na sila po ang dahilan kung bakit po tayo eh patuloy na lumalaban sa kabila ng mga nangyayaring ito. ‘Di ba kung ang Hollywood nadagukan niyan ang laki laki niyan tayo pa kaya. Yun lang po naiintindihan ko nauunawaan ko iyan pero sana unawain din po ninyo nanay po ako. Marami pong umaasa sa akin. Marami rin po akong gustong matulungan pa. Yun na!