Parehong Covid-19 survivors ang mga bida ng Afternoon Prime ng GMA-7 naAng Dalawang Ikawna sinaKen ChanatRita Daniela. Sa tribute segment para sa Covid-19 patients saAll-Out Sundaysnitong June 20, naibahagi ng dalawa ang pakikipaglaban nila sa nakamamatay na virus.

Naunang nagbahagi si Ken na ang sabi, “Kailangan mo talagang seryosohin sa lahat ng oras ‘yung proteksyon sa sarili. Sandali lang na makalimot ka, hindi lang ikaw ‘yung puwedeng magkasakit. Ito na siguro ‘yung pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako ‘yung tinamaan at nagkaroon ng virus, ‘yung buong pamilya ko. Lahat kami sa bahay nagkaroon ng Covid. Wala kang choice kung hindi harapin ito ng buong tapang. Kailangan magpakatatag dahil kapag sumuko ka parang sinuko mo na rin ‘yung chance na gumaling ‘yung mga mahal mo sa buhay.

Ken at Rita

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Dagdag pa ni Ken, “Sa kabila ng mga nangyari, nagsilbi itong aral sa aming lahat na ‘yung pag-iingat, kahit gaano siya kahirap kailangan mong pagtuunan ng pansin.”

Para kay Rita, malaking tulong ang prayers para hindi siya paghinaan ng loob na harapin ang virus.

“Natakot ako. ‘Di ba, when you watch the news, you see numbers. Then it becomes the people that you know. Then one day, ikaw, meron ka na rin. Mahirap siyang tanggapin when you do everything to take care of yourself pero dinapuan ka pa rin.”

Kasunod nito, ipinaalala ni Rita na totoo ang COVID at ang Diyos lang ang puwedeng kapitan.

“I prayed hard for myself and my family. Every morning I was given a chance to thank Him for all the things He has blessed.”

Samantala, ang roles sa Ang Dalawang Ikaw na ang pinaka-challenging roles na ginampanan nina Ken at Rita, lalo na si Ken na gaganap na may Dissociative Identity Disorder (DID). Dumaan siya sa series of intensive workshops and consultations.

Nag-research din ang aktor at nanood ng documentaries, Korean drama series gaya ngHyde Jekylle, and MeniHyun Binat pelikulangSplit niJames McAvoyang kanyang pinanood bilang paghahansa sa role at karakter nina Nelson Sarmiento at Tyler Franco.

Nitz Miralles