Dumaan pala si JM de Guzman sa “Search and Rescue” basic fire fighting training bilang reservist siya ng Philippine Air force. Napanood namin ang video ng kanyang training na totoo namang napakahirap.

Habang nagpapahinga sa training, nagkasunog bigla sa Paco, Manila at kailangan nilang rumesponde. Naibahagi ni JM ang kanyang naging experience at tinawag niyang “real-life fire” ang kanyang experience.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Post ni JM: “Okay guys, totoong sitwasyon ng pagresponde. Habang nagpapahinga kami, biglang may sunog sa Paco, Manila. Pupunta kami ngayon dun para rumesponde. Kinakabahan po kami dahil first time po namin sasabak sa ganitong sitwasyon.”

Ayon pa kay JM, hindi naiwasang nerbyosin siya at ang mga kasama niya sa team dahil first time nilang maka-experience ng totoong sunog.

“Malaki raw yung sunog. ‘Di po ‘to drama or teleserye, just real life,” pagtatapos ni JM.

Pinuri si JM ng netizens na nakapanood sa kanyang video dahil hindi raw siya nagpaka-aktor sa oras na ‘yun, kundi mamamayan na gustong makatulong.

Nitz Miralles