CAMP DANGWA, Benguet – Narekober ng magkasanib na tauhan ng Philippine Army at Police Regional Office-Cordillera ang mga matataas na kalibre ng baril sa isang abandonadong kuta ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Batayan, Barangay Alangtin, Tubo, Abra.

Walong miyembro rin ng NPA ang kusang-loob na sumuko sa Abra at Mountain Province.

Sinabi PROCOR Director BGen.Ronald Oliver Lee, na ang pagkakadiskubre ng mga high powered firearms ay itinuro mismo ng dating mga miyembro ng NPA.

Narekober ang dalawang 7.62mm Springfield Rifle with defaced serial numbers; isang M1 Garand Rifle na may isang clip na may 3 bala; isang Carbine Rifle with one magazine na may siyam na live ammos; isang 12-Gauge Shotgun at isang cal. 38 revolver na may 3 bala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon ka Lee, pitong miyembro ng Cordillera Peoples’ Democratic Front (CPDF) ang sumuko sa Abra na kinilalang sina alyas Macedo, 63; Hilda, 57; Ginwar, 53, samantalang sina Tani, 65, Darna, 48, Lilia, 62 at Haydi; 55 ay dating kasapi ng Militia ng Bayan.

Sa Mountain Province, si alyas Bog, 37, na dating Platoon AVILA/ Kilusang Larangang Gerilya na may operasyon sa lalawigan ng Benguet, Abra, Mountain Province at Ilocos Sur, ay nagsuko ng isang Springfield Cal. 45 Pistol at apat na bala ng Cal. 45.

Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay bunga ng patuloy na negosasyon na isinasagawa ng pulisya at kanilang pamilya at ang mga ito ay pagkakalooban ng benipisyo mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).