Ikinabigla ng fans ng Ginebra basketball player na si Scottie Thompson ang pagpapakasal nito sa flight attendant na si Jinky Serrano, ilang buwan matapos ma-engaged sa kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo.

Sa isang artikulo ng Spin.ph sinabing ikinasal si Scottie at Jinky sa isang pribadong ceremony sa Las Piñas nitong unang linggo ng Hunyo.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

https://twitter.com/BrgyGinebraKigs/status/1406981429800570882?s=03

Matatandaang nag-viral pa ang nakakakilig na pagpo-proposed ni Scottie sa kanyang 8 years girlfriend sa social media nitong Enero kasabay ng bagong taon.

Gayunman, Abril nang umugong ag balitang nagkakalabuan ang dalawa nang mapansin ng fans na binura ng dalawa sa kanilang social media accounts ang mga larawan ng isa’t isa.

Nitong Linggo lamang, tinuldukan ng shooting guard ng Ginebra ang mga balita nang aminin nitong ilang buwan na silang hiwalay ni Pau.

Pahayag ng player sa kanyang deleted Facebook post: “Over two months na kaming hiwalay kita niyo nang deleted na mga pic bawat isa sa amin. Ako ang reason ng hiwalayan naming, ako ang may mali nang lahat.”

Nakilala si Scottie sa mundo ng basketball bilang bahagi ng Barangay Ginebra San Miguel. Mula nang makapasok sa PBA noong 2015 nakapagtala na nang limang championship title ang player sa ilalim ng koponan ng Ginebra.

Mula sa I

Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksyon sa fans ang pagpapakasal ni Scottie: