MALIWALO, Tarlac City-  Tiklo sa kasong paglabag sa RA 9165  o  ilegal na droga  ang dalawang pinaghihinalaang tulak sa buy-bust operation na isinagawa sa Sunrise Subdivision, Bgy. Maliwalo, Tarlac City, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Ricardo D. Milante kay Tarlac Police Chief Lieutenant Colonel Modesto Flores Carrera, kinilala ang mga nahuli sa operasyon na sina Arnel Nunag, 44, single, accounting personnel ng DepEd, residente ng nabanggit na lugar; at John Paul Lumagui,18, single, tubong Pulilan, Bulacan, at nanunuluyan sa Bgy. Maliwalo, Tarlac City.

Nagkunwaring buyer si Police Staff Sergeant John Michael Credo at nakuha sa dalawang suspek ang iniingatan nilang droga kapalit ng P500.00 marked money.

Bukod dito, narekober din sa dalawang suspek ang iniingatan nilang cellphones at isang unit ng Green Toyota Innova na sasakyan na may plate number AEX 254. Sinaksihan ng mga barangay officials ng Maliwalo, local media at kinatawan ng Department of Justice (DOJ) na sinusuri ngayon sa Provincial Crime Laboratory Office ng Camp Macabulos, Tarlac City.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Leandro Alborote