Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bilisan ang isinasagawang pagbabakuna bago pa maramdaman ang bagsik ng Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa bansa.

Inilabas ng senador ang apela kasunod nang pagkumpirma ng IATF na mayroon ng 13 kaso ng Delta variant sa bansa. Gayunman, sinabi ng mga health expert na maliit lamang ang panganib sa nasabing sakit ng mga nakumpleto na sa bakuna.

 “May laban ka sa Delta kung bakunado ka. Kaya bilis-bilisan na dapat ang rollout ng mga bakuna. Garantisadong proteksyon 'yan para sa ating mga kababayan,” pagdidiin pa ng senador.

Hannah Torregoza

National

Sa tulong ni Recto: 'Trilyon-trilyong' pamumuhunan, pumapasok na sa bansa—PBBM