Naging matumal ang pagbabakuna sa mga vaccination sites sa Maynila nitong Lunes matapos na itigil ang pagtanggap ng ‘walk-in clients’ sa lungsod.
Naunang tumatanggap ng mga 'walk-in client' ang lungsod kaya dinagsa ito ng mga nagpapabakuna.
Gayunman, napaulat nanalabagangipinaiiralna physical distancing sa ilang vaccination sites dahil sa pagdagsa ng mga magpaturok ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Dahil dito, nagpasya ang lokal na pamahalaan na itigil na ang pagtanggap ng ‘walk-in clients’ at sinabing ang tanging babakunahan na lamang nila ay yaong mga nakatanggap na ng text message mula sa Manila CoVax SMS.
Nitong Lunes, itinakda ang pagbabakuna para sa mga miyembro ng A2 at A4 priority groups sa apat na mall sites na kinabibilangan ng SM Manila, SM San Lazaro, Robinsons Place Ermita at Lucky China Town, na pinaglaanan ng tig-2,500 doses.
Gayunman, dahil sa bagong polisiya ay tumumal ang pagbabakuna sa lungsod dahil kakaunti ang dumadating sa vaccination sites, partikular na sa malls.
Mary Ann Santiago