Lumampas na sa isang bilyon ang bilang ng nabukunahan kontra COVID-19 sa China, inanunsiyo ng health officials nitong Linggo.

Inanunsiyo ng National Health Commission ang bilang matapos lumampas sa 2.5 billion na ang bilang ng bakuna na naiturok sa buong mundo nitong Biyernes, ayon sa isang AFP count mula sa official sources.

Hindi naman malinaw pa kung ilang porsyento ng populasyon ng China ang nabakunahan na bagamat nakitaan ito ng mabagal na pagsisimula matapos ang matagumpay na paglaban sa virus ng bansa.

Nakaapekto rin ang kakulangan ng transparency at mga nakalipas na vaccine scandals para tanggihan ng mga residente ang bakuna.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Itinakda ng awtoridad sa China ang maambisyong target na mabakunahan ang 40 porsiyento ng halos 1.4 bilyong tao sa pagtatapos ng Hunyo.

Ilang probinsiya sa China ang nag-aalok ng libreng bakuna upang mahikayat ang mga tao na maturukan. Habang may ibang lugar naman na namamahagi ng libreng itlog at nagbibigay ng mga shopping coupons.

Agence-France-Presse