Isa ang patay habang isa pa ang sugatan, nang sagasaan ng isang pickup truck ang mga nagtipong tao para sa isang Pride parade nitong Sabado sa south Florida, United States.
Bagamat sinasabing bahagi ang truck ng procession ng programa, hindi malinaw kung sinadya o aksidente ang nangyari. Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang lahat ng posibilidad.
Naganap ang insidente sa pagsisimula ng Wilton Manors Stonewall Pride Parade and festival, isang LGBTQ celebration sa isang bayan malapit sa Fort Lauderdale.
Nakalinya ang puting pickup truck kasama ng iba pang floats para sa parada nang bigla itong umandar at dumeretso sa mga tao bago bumangga sa isang plant nursery, ayon sa local reports.
Agad namang dinala sa kostudiya ng pulisya ang driver.
Dalawang lalaki ang isinugod sa isang medical center kung saan namatay ang isa, ayon sa isang televised press briefing. Patuloy na ginagamot ang isa pang biktima.
Pawang mga miyembro ang driver at mga biktima ng Fort Lauderdale Gay Men's Chorus, ayon sa pahayag ng group's president Justin Knight.
"Our thoughts and prayers are with those affected by the unfortunate accident that occurred when the Stonewall Pride Parade was just getting started," anito.
"Our fellow Chorus members were those injured and the driver is also a part of the Chorus family. To my knowledge, this was not an attack on the LGBTQ community. We anticipate more details to follow and ask for the community's love and support."
Ayon kay Fort Lauderdale Mayor Dean Trantalis, ang insidente ay "deliberate".
Tinawag niya rin itong, "a terrorist attack against the LGBT community" at sinabing target nito ang sasakyan ni Democratic congresswoman, Debbie Wasserman Schultz – na nasa loob ng convertible habang naghihintay ng parada—at hindi nahagip ng saksakyan.
Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo ang Pride Month, na gumugunita sa 1969 Stonewall riots na pinag-ugatan ng police raids sa isang sikat na gay bar sa New York. Ang demostrasyon ang sinasabing ‘turning point’ sa pakikibaka ng LGBTQ community para sa kanilang karapatan.