Masamang balita sa mga motorista.
Napipintong muli ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.70 hanggang P0.80 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.60-P0.70 naman ang idagdag-presyo sa diesel at kerosene.
Ang nagbabadyang price increase sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nitong Hunyo 15, huling nagtaas ng 50 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 40 sentimos sa diesel at 30 sentimos naman sa kerosene.
Bella Gamotea