Nakatakda nang simulan ng Manila City government sa Martes ang pamamahagi ng monthly financial assistance para sa mga solo parent at persons with disabilities (PWDs) para sa anim na buwan.
Nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang payroll ng mga benepisyaryo.
Ang pondong inilaan para sa solo parents at PWDs ay P3,000 bawat isa, at ito ay binubuo ng P500 monthly allowances mula Enero hanggang Hunyo 2021.
Samantala, sinabi naman ni Re Fugoso, hepe ng city social welfare department, mayroong 5,159 solo parents at 21,773 PWDs sa lungsod.
Aniya, ang budget para sa solo parents ay umabot sa P15.477 milyon at ang PWDs naman ay may total allocation na P65.3 milyon.
Mary Ann Santiago