Lumalakas ang hatak ng tambalang Sara-Gibo para sa May 2022 elections.
Si Sara ay ang alkalde ng Davao City at anak ni Pangulong Rodrigo Duterte samantalang si Gibo Teodoro ay dating Defense Secretary na kumandidato sa pagka-pangulo noong 2010.
Sinabi ni ex-Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., spokesman ni Teodoro, ilang kongresista at local executives ang nagpahayag ng suporta sa Duterte-Teodoro (Sara-Gibo) tandem.
Kabilang aniya sa sumusuporta sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang ama nitong si ex-Speaker Feliciano Belmonte.
Ang iba pang nagpahayag ng suporta ay sina dating Parañaque Rep. Gus Tambunting, Cebu Rep. Eddie Gullas, Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno.
Si Teodoro, ayon kay Andaya, ay nakatakdang bumalik sa Davao City sa Hulyo 3 upang makipagkitang muli kay Mayor Duterte at magpabakuna nang pangalawang dose ng COVID-19 vaccine.Bert de Guzman