Kung hindi mababago ang schedule, this week na raw ang storycon ng rom-com series ni Heart Evangelista sa GMA-7 na “I Left My Heart in Sorsogon” katambal sina Richard Yap at Paolo Contis. Sa storycon, makikilala na ang ibang cast at ang director ng series.

Masaya ang fans ni Heart dahil after a long time, muli siyang mapapanood sa teleserye at ang maganda pa nito, sina Richard at Paolo ang kanyang kasama.

Relasyon at Hiwalayan

Willie, nadulas na may anak na sina Coco at Julia?

Isa pang nilu-look forward ng fans ni Heart sa rom-com series ay ang mga isusuot niya mula sa damit, at sapatos at ang mga gagamiting bag. Fashion model daw ang role ni Heart dito at siguradong may mga eksenang rumarampa siya suot ang branded na damit, shoes at branded bags na gagamitin sa mga eksena.

May mga nagre-request pa sa GMA-7 na bigyan ng eksena si Heart na naka-swimsuit dahil gusto nila itong makitang suot ang branded swimsuit. Gaya na lang sa isa sa latest post niya na suot ang isang Louis Vuitton one piece bikini. Nag-SOCO ang kanyang fans at nalamang more or less, P40,000  ang price ng LV bikini.

Nitz Miralles