Hindi papayagan ng komedyanteng si Pokwang na sirain ng bashers ang kanyang bagong milestone.

Sa Instagram, pinili ng comedian na i-turned off ang comment section upang maiwasan ang pagkakalat ng bashers ng kanegahan sa kanyang social media account.

Tinawag niya ang haters na “negative” people na makikitid ang utak at nagmamatalino.

“Gusto ko lang naman na maging masaya habang  naghahanap buhay para sa pamilya at mapasaya tunay kong taga suporta at hindi mga NEGA!,” caption ni Pokwang. “Salamat sa mga nakakaunawa at sa mga hindi naman porblema nyo nayan (praying emoji).”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kaparehong post, nagpahayag din ng pasasalamat si Pokwang sa mainit na pagtanggap ng GMA Network.

Looking forward na rin ang aktres sa kanyang mga upcoming projects sa istasyon.

Noong 2020, sinabi ni Pokwang na naging mahirap na desisyon ang paglipat niya sa TV5 matapos maging bahagi ng ABS-CBN sa loob ng higit isang dekada.

Ibinahagi rin ng 50-anyos na comedian na na-inform siya ng mother network in advance na mawawala ang kanyang kontrata kung magsasara ang broadcasting company dahil sa isyu ng prangkisa.

Lumipat siya ng TV5 bilang isa sa mga host ng morning talk show na “Chika, Besh!” kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna. Umere ito hanggang nitong Enero.