CAMP OLA, Albay - Dead on the spot ang isang pinaghihinalaang drug pusher nang lumaban umano sa mga pulis sa isang buy-bust operation na ikinasamsam ng tinatayang aabot sa P6.8 milyong halaga ng iligal na droga sa Camalig ng nabanggit na lalawigan, nitong Biyernes.
Sa panayam, kinilala ni Police Regional Office 5 (PRO-5) Spokesman Maj. Malu Calabaquib, ang suspek na siAntonis Tupas, na taga-Barangay Cruzada, Legazpi City.
Aniya, binentahan ng shabu ng suspek ang isang police poseur-buyer sa Purok 5, Brgy. Quirangay. Gayunman, nahalata umano nito na isang pulis ang nakatransaksyon nito kaya niya ito binaril.
Dahil dito, nakipagbarilan din ang mga pulis sa suspek hanggang sa ito ay bumulagta.
Bukod sa nabiling P300,000 halaga ng shabu, nasamsam din ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bicol ang aabot sa isang kilong illegal drugs na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Niño Luces