Nasa 34 na kababaihan ang naghain ng demanda sa California laban sa adult video website Pornhub, na inaakusahan nila ng “knowingly profiting” mula sa mga footage na nagpapakita ng rape at sexual exploitation, kabilang sa mga minors.

Ayon sa mga abugado na kumakatawan sa 34 bilang ng reklamo laban sa online giant — isa sa pinakamalaking adult video websites sa buong mundo— lumilikha ito ng merkado para sa child pornography at “every other form” ng nonconsensual sexual content, ay dapat magbayad ng danyos ang kumpanya.

Inakusahan nila ang MindGeek, ang controversial adult entertainment na nagpapatakbo ng Pornhub, ng pagiging “classic criminal enterprise” na may negosyong nakamodelo sa

“exploiting non-consensual sexual content.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“This is a case about rape, not pornography,” ayon sa reklamo, inilarawan niya ang website bilang “likely the largest non-regulatory repository of child pornography in North America and well beyond.”

Lahat maliban sa isa, na naninirahan sa United States at abroad, ay piniling hindi ilantad ang kanilang pagkakakilanlan.

Sinabi ng 14 na complainant na menor de edad sila noong kunan ang video, at dapat maikonsiderang “victim of child sex trafficking”.

Ayon kay Michael Bowe, isa sa mga abugado na kumakatawan sa mga complainant, maaaring iutos ng korte na pagbayarin MindGeek ng daang milyong dolyar sa kanilang kliyente.

Bukod sa kumpanya, idinemanda rin nila ang Visa Inc — isa sa pinakamalaking payments processing companies sa buong mundo— “for knowingly profiting from trafficking in providing merchant services to MindGeek.”

Kapwa sinuspinde na ng Visa at Mastercard ang pagproseso ng bayad para sa Pornhub noong Disyembre, matapos akusahan sa isang New York Times article ng pagho-host ng illegal content, kabilang ang child pornography at rape videos.

Ayon sa demanda, nagmamay-ari ang MindGeek ng higit 100 pornographic sites, kabilang ang Pornhub, RedTube, Tube8 at YouPorn, at umaabot ng 3.5 billion visits kada buwan.

Inilarawan naman ng Montreal-based MindGeek ang akusasyon na nagpapatakbo ito ng

“criminal enterprise” bilang “utterly absurd, completely reckless and categorically false,” ayon sa US media.

Itinanggi rin ng Pornhub, na sinasabing may 130 million visitors bawat araw, ang akusasyon ng trafficking at nag-anunsiyo ng isang serye ng hakbang upang malabanan ang illegal content.

Agence-France-Presse