Shanghai, China — Ipinagluluksa ngayon sa China ang pagpanaw ng isang 14 taong gulang na baboy na itinuring na national icon matapos maka-survive ng 36 araw sa ilalim ng guho sa kasagsagan noon ng 2008 earthquake sa bansa.

Sumikat ang baboy na kinilalang “Zhu Jianqiang”, o “Strong Pig”, nang mailigtas ito ng buhay matapos ang 7.9-magnitude earthquake sa southwestern Sichuan province noong Mayo 12, 2008.

Halos 90,000 tao ang namatay o missing sa lindol at ang milagrong istorya ng baboy, na nabuhay sa isang sako ng uling at tubig-ulan ay pinuri bilang isang kahanga-hangang simbolo ng pag-asang mabuhay.

Ayon sa mga saksi malaki ang nabawas sa timbang ni “Zhu Jianqiang” nang makuha ito mula sa guho na nagmukha na umanon kambing.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Binili naman ng isang local museum sa siyudad ng Chengdu ang sikat na baboy sa halagang 3,008 yuan ($450) at ginawang tourist attraction habang nabubuhay ang hayop.

Nitong Miyerkules namatay ang baboy dahil sa “old age and exhaustion,” ibinahagi ng museum sa China’s Twitter-like Weibo platform.

Sa human terms, nasa 100 years old, ayon sa The Global Times.

Kilala rin ang celebrity porker na China’s animal of the year noong 2008 dahil “it vividly illustrated the spirit of never giving up”.

Umabot naman sa higit 300 million ang Weibo hashtag na “Strong Pig died.”

Kinilala rin ngmga Weibo users ang baboy bilang “the most famous pig in history”.

“It is indeed a strong animal, not just for surviving the earthquake, but also for the 13 years of life afterward,” ayon sa isang popular Weibo post.

Agence-France-Presse