Bagamat nakakasiguro ng pasok sa 2021 FIBA Asia Cup, inaasahang pupuntiryahin ng Gilas Pilipinas na makumpleto ang sweep ng group stage sa muli nilang pagtutuos ng South Korea sa Linggo (Hunyo 20) ng hapon sa pagtatapos ng bubble tournament sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Sa katunayan, nagkaroon pa ng dagdag na motivation ang Gilas sa huli nilang laro sa qualifiers ngayong 3:00 ng hapon.

Tiyak na sisikapin ng mga kabataang manlalarong Pinoy na patunayang hindi "tsamba" ang naitalang 81-78 na panalo nila kontra South Korea sa opening ng third window.

Ito'y matapos magkomento ni South Korean headcoach Chong Sanghyun na swerte lamang ang buzzer-beater winning triple ni SJ Belangel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Siguradong magiging dagdag na hamon ang komentong iyon ng South Korean coach upang makapagtala ng mas kumbinsidong panalo.

At mismong si head coach Tab Baldwin ang nagsabing gagamitin nyang karagdagang motivation at hamon sa kanyang mga players ang sinabi ng Korean mentor.

Nakakalimang sunod na panalo na ang Gilas sa Group A matapos ilampaso ang Indonesia nitong Biyernes ng gabi, 76-51. 

Marivic Awitan