Matapos ipagpaliban ang pagbubukas noong Marso, muli nang tatanggap ang National Museum of the Philippines (NMP) ng mga bisitang Pilipino simula ngayong araw, Hunyo 19, 2021, sa ika-160 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal.

NATIONAL MUSEUM OF THE PHILIPPINES

Ang mga taong mahilig sa sining at kasaysayan ay maaari nang mamangha muli sa “Tree of Life” centerpiece ng National Museum of Natural History, makikita rin ang mga naging pagbabago sa National Museum of Fine Arts at suriin ang mga sinaunang ancient treasures at artifacts, at syempre, sumunod sa mga safety guidelines na ipinapatupad ng gobyerno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Narito ang ilang mga bagay na dapat malaman kapag bibisita sa National Museums:

Kailan at anong oras nagbubukas ang Museo?

Bukas ang museo mula Martes hanggang Sabado, hindi kasama ang mga religious holidays.

Magkakaroon ng 2 sesyon sa pagbisita:

Umaga, mula 9 a.m hanggang 12 ng tanghali

Hapon, mula 1 p.m hanggang 4 p.m.

Mayroong cut off sa pagpunta:

Umaga, 11 a.m

Hapon, 3 p.m

Sino ang pwedeng pumunta?

Magpapatupad ang NMP ng limitasyon sa maaaring magpunta.

Edad 15 hanggang 65 years old, kasama ang person with disabilities (PWD) at fully vaccinated senior citizens.

Ang mga pupunta ay kailangan magdala ng ID na mayroong petsa ng kapanganakan para ma-validate ang pagpasok. Ang mga fully vaccinated senior citizens naman ay dalhin ang vaccination card bilang katunayan.

Ano ang kailangang gawin bago pumunta?

Kailangan muna mag pre-book online bago pumunta. Magpareserba sareservation.nationalmuseum.gov.phisang araw bago ang plano ng pagpunta. Hintayin lamang ang confirmation ng booking sa email.

Ang group reservations ay limitado lamang sa limang tao at ang walk-in visitors ay hindi papayagan.

Safety measures sa loob ng museo:

Bago pumasok, kailangan munang:

  • Magpa temperature check. Kailangan hanggang 37.5 ang temperatura, hindi papasukin kung higit sa 37.5.
  • Kailangan ng health declaration form, ito ay parte ng reservation process.
  • Magsuot ng face masks at face shield habang nasa loob ng museo.
  • Obserbahan ang social distancing na hindi bababa sa 2 metro.

Ayon sa NMP, maaaring magdala ang mga bisita ng kanilang sanitation kit ngunit asahan na makakakita sila ng hand sanitizers sa buong pasilidad at handwashing facilities sa loob ng comfort rooms. Ang elevator ay maaari lamang gamitin ng mga senior citizens at PWDs.

Mga bagay na hindi pwede sa loob ng museo:

  • Art materials (kasama ang ink pens) bukod sa lapis.
  • Bags na mas malaki sa 33x43 cm
  • Backpacks, baby backpack carriers, mahabang payong at iba pang bulky items.
  • Halaman, bulaklak or iba pang mga organic na materyal.
  • Tripod at video cameras
  • Wrapped packages kasama ang mga regalo
  • Mga pets/hayop

John Legaspi