Nasabik si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya si House Majority Leader and Leyte Rep. Martin Romualdez kung ito ay magpasya na tatakbo bilang bise presidente.

“I am happy for Martin. Indeed he is very qualified,”ayon kay Arroyo sa isang pahayag.

Si Romualdez ang president ng Lakas-CMD na isang political party na pinamumunuan ni Arroyo noong 2008-2009 habang naglilingkod bilang pangulo.

Hindi nabawasan ang posibilidad na maging ka-tandem ni Romualdez ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte na tinutulak umano na tumakbo bilang presidente sa susunod na taon.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Basahin:https://balita.net.ph/2021/06/18/duterte-romualdez-tandem-sa-2022/

Nabuo bilang political pundits ang naging paniniwala na may posibilidad na maging ka-tandem ng city mayor ang dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating former Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa eleksyon.

Si Marcos ay first cousin ni Romualdez habang si Teodoro naman ay naging presidente ng Lakas-CMD noong tumakbo siya bilang pangulo ng Pilipinas noong 2010.

Ben Rosario