Magbabalik-pulitika ang aktres na si Aiko Melendez, ilang taon matapos magsilbing konsehal sa Quezon City.
Ngayon, nais niyang maging kinatawan ng ika-5 distrito ng lungsod sa kongreso.
Ito ang inanunsiyo kamakailan ni Aiko, 45, sa pagsasabing marami ang natutulak sa kanya na tumakbo.
“Marami talagang nag-uudyok sa akin na tumakbo bilang kongresista. 9 years akong naging konsehal, na-experience ko na ‘yon, gusto ko namang mag-level up sa public service. I’ve always been behind the scenes, I want to go back to that direction.”
Suportado naman siya ng kanyang boyfriend, si Zambales vice governor Jay Khonghun.
Naniniwala si Gov.Jay, na may kakayahan si Aiko na makapaglingkod sa posisyon.
Samantala, nang matanong kung handa ba siyang makalaban ang kapwa aktor na si
Arjo Atayde, na napabalitang tatakbo rin sa kongreso sa darating na halalan, sinabi ni Aiko na, “No. Sylvia (Sanchez, Atayde’s mother) told me sa District 1 siya for congress; ako District 5.”