TARLAC - Umabot sa 336 ang panibagong bilang ng nahawaan ngcoronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan, kamakailan.

Sa datos ng Provincial Health Officeng Tarlac, ang nasabing mga kaso ay naitala sa Tarlac City, Capas, Concepcion, Bamban, Mayantoc, Ramos, Victoria, La Paz, San Clemente, Pura, San Manuel, Anao, Gerona, at Paniqui.

Kaugnay nito, muling umapela ang mga opisyal ng lalawiganna pairalin pa rin ang safety at health protocols upang hindi na lumaganap pa ang virus sa lalawigan.

Leandro Alborote

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?