Isang bus na may lulan na mga minero ang nahulog sa isang bangin sa gilid ng bundok nitong Biyernes sa southern Peru, na kumitil sa buhay ng 27, ayon sa kanilang employer.

Sa pagbabahagi ng Ares Mining Company, patungo sana ang bus mula sa pit na katabi ng Nasca Lines archeological site sa siyudad ng Arequipa.

Nahulog ang bus sa lalim nang 400-meter (1,300-foot) bangin, dahilan upang magkalat ang katawan ng mga pasaherong nasawi sa gilid ng burol sa desert region, ayon sa local press.

Isa sa mga opisyal ang nagsabi na nakatulong ang driver habang nagmamaneho.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Pauwi na sama ang mga minero mula sa ilang linggong pagtatrabaho nang mangyari ang insidente.

Nasa 16 naman ang sugatan na patuloy na ginagamot sa Nasca hospital, ayon sa RPP radio.

Agence-France-Presse