CAMP VICENTE LIM, Canlubang, Laguna – Iniutos na Phillippine National Police (PNP) chief, Lt. General Guillermo Eleazarna isailalim sa restrictive custody ang 10 na tauhan ng Biñan City Police Station na nagsagawa ng anti-illegal drugs operation na ikinasawi ng isang menor de edad at isang wanted, kamakailan.

Idinahilan ni Eleazar, hindi muna makalalabas sa nasabing ng regional headquarters ang mga nasabing pulis hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon sa kanilang kaso.

Inatasan na aniya nito ang regional director ng Police regional Office 4A (PRO-4A) o Calabarzon at ang inspector general ng PNP-Internal Affairs Service na pangasiwaan ang imbestigasyon.

“Ang agarang aksyon na ito ay nagpapatunay na walang itinatago ang PNP at kasama n’yokami sa paghahanap ng katotohanan sa insidenteng ito,” aniya.

National

Digital taxes sa video games, magsisimula nang ipataw sa Hunyo

Isinailalim na rin aniya sa paraffin test ang lahat ng baril ng mga sangkot na pulis.

Nanawagan din si Eleazarsa pamilya ng mga nasawi at sa lahat ng residente na nakasaksi sa pangyayarina makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon.

Matatandaang lumaban umano sa mga pulis ang wanted na si Antonio Castillo Dalit habang ito ay inaaresto dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga kaya ito binaril at napatay, nitong Hunyo 16.

Kasama rin sa napatay ang menor de edad na si Johndy Maglinte, 16, na kasamaumano ni Castillo na lumaban sa mga pulis.

Danny Estacio