Isang babae ang naiulat na namatay matapos masunog ang isang residential area sa Riverside, Barangay San Rafael Village (SRV), Navotas City, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang binawian ng buhay na si Madel Santos, 50, taga-nasabi ring lugar.

Sa report ng BFP-Public Information Office, ang insidente ay nagsimula dahil umano sa nilalarong posporo o lighter ng mga bata, dakong 7:38 ng umaga.

Dakong 9:03 ng umaga nang ideklarang naapula na ang sunog na tumagal ng halos dalawang oras at ikinamatay ni Santos.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Tinatayang aabot bsa P100,00 halaga ng ari-arian ang naabo sa insidente.

Pansamantalang lumikas ang 169 na residente sa katabing SRV Elementary School.

Allysa Nievera