Wala pang pinal na salita si Pangulong Duterte kung siya ba ay tatakbo bilang bise president sa halalan 2022 o pipiliin na magretiro kapag natapos ang termino sa susunod na taon.
Maaari pang magpasya ang pangulo hanggang Oktubre kapag ang mga aspirants ay magfa-file ng certificate of candidacy para sa botohan sa Mayo 2022, ayon kay Spokesman Harry Roque.
“At this point, we cannot definitely say that he will or will not run and that’s his right because he has until October to decide,” ayon kay Roque sa televised press briefing noong Huwebes, Hunyo 18.
Sa talumpati ng pangulo, inamin niyang “good idea” ang pagtakbo bilang bise presidente sapagkat mayroon pa siyang mga “unfinished business” partikular sa paglaban sa problema ng ilegal na droga at korapsyon.
Ang anim na taong termino ni Duterte ay magtatapos sa Hunyo 2022 at ipinagbabawal ng konstitusyon ang muling paghalal. Gayunpaman, ang partido ng Pangulo ay nagpasa ng isang resolusyon na naghihimok sa kanya na tumakbo sa pagka-bise presidente at pipiliing stand bearer para sa eleksyon sa susunod na taon.
“There are a lot of people pushing me to run for vice president. It’s a good idea I think, particularly if we talk about the drug problem,”ani ni Duterte noong Miyerkules, Hunyo 16
Gayunpaman, nangako ang pangulo na susuportahan niya si House Majority Leader Martin Romualdez kung ito ay tatakbo bilang bise presidente.
“‘Pag tumakbo si Romualdez, wala ako. ‘Pag hindi tumakbo si Romualdez, wala rin ako siguro.” ayon kay Duterte