Official nang Kapuso si Pokwang dahil pumirma na siya ng kontrata sa GMA Artist Center kahapon. Hindi magtatagal ang paghihintay ni Pokwang na magkaroon ng project sa GMA-7 dahil kasama siya sa cast ng prequel ng “Pepito Manaloto” na tinawag na “Unang Kuwento.” Hindi pa nga lang alam kung ano ang magiging role ni Pokwang sa hit comedy show.

Nagsimula na raw ang quarantine ng buong cast kahapon at susunod na sigurong magpapa-quarantine si Pokwang pagkatapos niyang pumirma ng kontrata. This June na sisimulan ang lock-in taping at kung matutuloy, sa July 17 na raw magsisimula ang airing ng Unang Kuwento.

Pokwang

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bago pa man ang airing ng “Unang Kuwento,” mapapanood na si Pokwang sa Sunday (June 20) sa “The Boobay and Tekla Show” at nag-guest din sa isang episode ng “Wish Ko Lang.” Nire-request din ng Kapuso viewers na pagsamahin sa isang comedy show sina Pokwang, Eugene Domingo, at Ai Ai delas Alas na posibleng mangyari.

Wala pa namang umaaway na Kapamilya fans kay Pokwang sa paglipat niya sa GMA Network dahil nabanggit nito na hindi na ni-renew ng ABS-CBN ang kanyang kontrata nang mawalan ng prangkisa ang network. Kaya lumabas siya sa TV5 at ngayon ay sa Kapuso Network na mapapanood.

Nitz Miralles