BACOLOD CITY – Binaril at napatay ng isang lalaki ang kanyang asawa dahil sa selos kahit pa nasa harap nila ang dalawang anak na menor de edad sa loob ng bahay ng mga ito sa Sitio Cabesa Antero, Barangay San Isidro, Calatrava, Negros Occidental nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Calatrava Municipal Police chief, Maj. Roberto Indiape, Jr., binawian ng buhay ang biktimang si Sendy Ambasing, 28, habang dinadala sa ospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang suspek na si Alex Ambasing, 32, na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sinabi ni Indiape, bago ang insidente ay natutulog na ang biktima sa kanilang kuwarto nang biglang dumating ang asawa at kinumpronta ito.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nagtalo ang mag-asawa hanggang sa bugbugin umano ng suspek ang biktima na nagtangkang bumangon, gayunman, binaril ito ng asawa sa harap ng dalawang anak na lalaki -- isang 11-anyos at isang 10 taong gulang.

Binanggit pa ni Indiape na nagseselos ang suspek sa mga kaanak ng misis nito sa hindi malaman na dahilan.

Glazyl Masculino