Sinimulan na ng Navotas City government ang house-to-house vaccination sa mga bedridden at indigent residents laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Mayor Toby Tiangco, pinupuntahan na ng mga fronliner ang mga may sakit na hindi kayang magtungo sa mga itinalagang vaccination site.
Maging ang A5 category sa hanay ng mahihirap ay pinupuntahan na rin sa kani-kanilang lugar.
Nasa 30 bedridden ang nabakunahan na sa Barangay Tangos North at South para sa kanilang first dose.
Aabot na rin sa 160 na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ang nakatanggap na rin ng first dose ng Pfizervaccine sa Tumana Health Center.
Sa kabuuan nasa 56, 673 na residente at manggagawa ang nakatanggap na ng first jabs nitong Hunyo 16.
Orly Barcala