Hindi nabawasan ang posibilidad ng pagtakbo ni House Majority Leader Martin Romualdez bilang ka-tandem ni Davao City Mayor Sara Duterte sa halalan 2022.

Sinabi ni Romualdez na siya at ang kanyang partido ay bukas sa pagtakbo kasama ang anak ng pangulo kung magpasya ito sa pagtakbo sa mataas na posisyon.

“We haven't made any final decisions yet but we will consider all candidates,”aniya sa isang online press conference noong Huwebes, Hunyo 17, noong tinanong siya tungkol sa posibleng tandem nila.

Ang partido ni Romualdez na Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ay kaalyado ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Romualdez, ang Lakas-CMD at HNP ay “looking forward to strengthening” ng kanilang alyansa para sa halalan 2022.

Gayunpaman, sinabi ni Romualdez na ayaw niyang pangunahan si Duterte na hindi pa nagdedesisyon kung ito ay sasali o hindi sa pagkapangulo.

“Ayaw nating unahan, she has to make her final decision on the matter. But definitely Inday Sara, her brand of leadership, pwede talaga sa national, but we don’t want to pre-empt,” aniya

“I’m not even decided myself on a national run, but definitely, it is something we will be considering,”dagdag pa niya