Naitala ng Department of Health ang 6,637 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Hunyo 17.

Umabot na sa 1,339,457 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. 58, 407 o 4.4 na porsiyento naman ang aktibong kaso.

Sa pinakabagong case bulletin, ipinakita na 91.8 na porsiyento ang nakaranas ng mild symptoms, 3.8 na porsyento ang asymptomatic, 1.3 na porsyento ang nasa kritikal na kundisyon, 1.8 na porsyento ang malubha, at 1.30 na porsyento naman ang nakaranas ng moderate symptoms.

“235 cases previously tagged as recoveries have been validated to be active cases,” ayon sa DOH.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 ay umakyat sa 23, 276 matapos 155 na pasyente pa ang namatay, kasama na rin dito ang 107 na kaso na na-tag bilang nakarekober.

Mayroong 4,585 na pasyente ang nakarekober sa COVID-19. 1,257,774 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na katumbas ng 93.9 na porsyento sa pangkalahatang kaso.