Nitong Huwebes, sinabi ni Senate President Tito Sotto na pumayag na si Pangulong Duterte na tanggalin ang mga face shields at sa hospital na lamang ito gagamitin.
“Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!” Pahayag niya sa kanyang Twitter account
Ngunit hindi pa kinukumpirma ng Malacañang ang naging pahayag ni Sotto.
Inihayag ni Sotto ang impormasyon isang araw matapos sabihin ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na maaaring alisin na ang face shield outdoors.
Basahin: https://balita.net.ph/2021/06/16/doh-face-shields-maaaring-alisin-outdoors-pero-suot-dapat-indoors/