TABUK CITY, Kalinga - Tatlong barangay ang sinalakay ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sinunog ang mga taniman ng marijuana na nagkakahalaga ng P21.9 milyon sa Tinglayan ng naturang lalawigan, kamakailan.
Ito ang inihayag ni KPPO Provincial Director Davy Limmong at sinabing magkahiwalay na sinalakay ang Barangay Buscalan, Loccong atButbut Proper kaugnay ng kanilang isinasagawa ng malawakang marijuana eradication mula Hunyo 14-16.
Mahigit sa 5,000 fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price (SDP) na P1,000,000.00 ang binunot sa kabundukan ng Brgy. Buscalan.
Aabot naman sa P6,800,000 halaga ng marijuana plants ang nadiskubre sa Brgy. Loccong at nasa P14,100,000 halaga naman ng tanim na marijuana ang pinagbubunot at sinunog din sa Brgy. Butbut Proper.
Zaldy Comanda