Natapos sa 1-1 draw ang laban ng Azkals at ng Maldives noong Martes ng gabi sa pagtatapos ng second round ng joint 2022 FIFA World Cup at 2023 AFC Asian Cup qualifiers sa Sharjah Stadium sa United Arab Emirates.
Unang nakaiskor ang Azkals sa pamamagitan ni Angel Guirado sa 19th, gayunman, nagawang makatabla ng Maldives pagkalipas ng anim na minuto sa pamamagitan ni Ali Fasir.
Marami silang naging pagkakataon para makaiskor ng marginal goal sa second half, gayunman, hindi na nila nalusutan ang Maldives.
Uusad ang Azkals sa third round ng AFC Asian Cup qualifiers makaraang tumapos na may 11 puntos sa naitalang tatlong panalo, dalawang draw at tatlong talo gayunman, bigong makaabot ng World Cup.
Tinapos naman ng Maldives ang second round na may 2-1-5 win-draw-loss kartada na katumbas ay 7 puntos.
Marivic Awitan