MALASIQUI, Pangasinan — Nakapagtala ang Provincial Health Office (PHO) ng 1,660 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 14 ngayong taon kung saan tumaas ng 67 na porsyento kumpara sa 995 na kaso sa parehas na period noong nakaraang taon.
Sa datos ng PHO, ang pinakamataas ay naitala nitong Enero na mayroong 524 kaso ng dengue.Dahil dito, binabantayan na ng PHO ang lungsod ng San Carlos, Alaminos at Urdaneta; Bayambang, Umingan, Binmaley, Pozorrubio, Lingayen, Calasiao at Basista.
Paliwanag ng PHO,. isa lamang ang namatay ngayong taon kumpara sa siyam na namatay noong nakaraang taon sanhi ng dengue.
Ang pinakabatang pasyente na tinamaan ng dengue ay dalawang buwan na lalaking sanggol habang ang pinakamatanda naman ay 55 taong gulang na babae.
Nitong Miyerkules, inihayag ni Department of Health Center for Health Development in the Ilocos Region (DOH-CHD 1) spokesperson Dr. Rheuel Bobis,naiatalang Ilocos Region ang kabuuang 1,600 dengue cases, kasama ang Pangasinan.
“There was a notable spike in the number of dengue cases this year. This might be due to neglect of the cleanliness of surroundings as dengue mosquitoes breed in stagnant waters,” pahayag pa ni Bobis.