Libu-libong tao ang dumadagsa ngayon sa KwaHlathi village, may 300 kilometro (186 miles) southeast ng Johannesburg, matapos mahukay ng isang pastol nitong nakaraang linggo ang ilang misteryosong bato na pinaniniwalaang uri ng diyamante.

Mabilis na kumalat ang balita hinggil sa naturang bato, na nagdulot ng pagdagsa ng mga tao sa lugar sa kabila ng paalala ng pamahalaan na maaring walang halaga ang bato.

Madaling araw pa lamang kanya-kanya nang hukay ang mga dumayo habang may ilan na kamay na ang pinangkakahig sa lupa.

"They are real," pagbabahagi ni Lihle Magudulela, nasa 40s at isa sa mga umaasang makahukay ng bato sa lugar.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

"I'm going to buy a car, a house, send my kids to private school," pagbabahagi niya sa AFP.

Ang pag-asa na makahanap ng diyamante sa lupaing ito ay nagbibigay ng malaking pag-asa sa isa sa pinakamahirap na rehiyon sa South Africa na dinagdagan pa ng pahirap sa gitna ng pananalasa coronavirus.

Kilala sa buong mundo, bilang bansa na mayaman sa mineral, hawak pa rin ng bansa ang record para sa world's largest ever rough diamond discovery – ang Cullinan – na natuklasan noong 1905 sa isang maliit na mining town.

Sa South Africa rin nabuo ang Kimberley Process, isang international certification scheme upang maiwasan ang diamonds conflict sa merkado.

"We are poor, we are unemployed. But this could change everything," saad naman isa isang residente na nagbabakasakali makapag-uwi ng bato.

Bali-balita sa lugar na may mga “foreigners” na bumibili ng ginto sa kalapit na bayan ng Ladysmith.

Pero ayon sa mga eksperto, malabo na maging “valuable” ang mga nahukay na bato.

"These are not diamonds, people here are just wasting their time," pahayag ng 18-anyos na si Bhekumuzi Luvuno, habang sinusuri ang isa sa mga bato na nahukay.

Pinakiusapan na ng mga awtoridad ang mga naghuhukay na lisanin na ang lugar, dahil sa coronavirus restrictions, pero bigo ang mga ito.

Nitong Martes, nagpadala na rin ang pamahalaan ng isang grupo ng geological and mining experts, upang kumuha ng ilang samples ng bato na maaaring masuri.

Bantay-sarado naman ng pulisya ang lugar upang makontrol ang dami ng tao.

Agence-France-Presse