BEIJING, China – Naghahanda na ang unang crew ng China na lumipad patungo ng bagong space station, isang panibagong hakbang para sa maambisyong programa ng Beijing na ipakilala ang sarili bilang isang space power.

Ang misyon ang unang crewed spaceflight ng China sa halos limang taon at isang pagpupunyagi ng pamahalaan nito habang nalalapit ang ika-100 pagdiriwang ng Communist Party sa Hulyo 1.

Isang Long March-2F rocket, sakay ang tatlong astronauts, ang naghahanda nang lumipad sa Shenzhou-12 spacecraft sa base nito sa northwest China’s Gobi desert, ayon sa mga eksperto.

Plano nilang manatili ng tatlong buwan sa Tiangong station, ang pinakamatagal na crewed space mission ng China sa kasalukuyan. Kabilang ang spacewalks sa kanilang pakay.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Hangad ng astronauts na maihanda ang “their new home in space kitted out and ready to use,” ayon kay Jonathan McDowell, astronomer sa Harvard Smithsonian Center for Astrophysics.

“It’s a practical goal rather than a groundbreaking one.”

Bukod sa natakdang space mission, may 11 pang mission ang nakaplano sa susunod na taon upang makupleto ang konstruksyon ng Tiangong sa orbit, kabilang ang pagkakabit ng solar panels at dalawang laboratory modules.

Tatlo sa planong misyon ang magdadala ng astronauts para sa crew rotation.

“Keeping the station up and running smoothly involves much detailed and complicated work, as we saw on the International Space Station during its early days,” pahayag ni Chen Lan, analyst sa GoTaikonauts, na nakatuon sa China’s space programme.

“In fact, ISS construction was much slower” kumpara sa Chinese station.

Kapag natapos, inaasahan may bigat ang Tiangong ng 90 tonnes at inaasahang aabot sa 10-year lifespan, ayon sa Chinese space agency.

Agence-France-Presse