Dinomina ng mga beteranong sina Nińo Surban at Ariana Dormitorio ang kani-kanilang event habang dalawang kabataan ang nagpakita ng potensiyal noong nakaraang wéekend sa ginanap na PhilCycling National Trials para sa mountain bike sa Danao City, Cebu.
Nanguna ang men’s cross-country silver medalist noong 2019 Southeast Asian Games, 6-lap,3-km track sa Sitio Bugho sa Barangay Sandayong Sur upang makamit ang gold medal sa tiyempong isang oras, 22 minuto at 11.21 segundo.
Pumangalawa si Jericho Rivera na nakatawid sa uphill finish line dalawa at kalahating minuto ang lumipas pagkatawid ni Surban at pangatlo si Mark Louwel Valderama na nahuli ng mahigit 3 minuto.
Tinapos naman ni Dormitorio ang mas maiksing 5 lap,3-km loop race para sa kababaihan sa tiyempong 1:29:50.75.
Nakamit naman ng baguhang si Nicole Quinones, anak ni 2003 Vietnam Seagames Men’s MTB gold medalist Eusebio Quinones ang silver medal sa kanyang unang pagsabak sa Women’s Elite race makaraang maorasan ng 1:42:12.89.Sumunod sa kanya si Pamela Jane Ruiz na nagkamit ng bronze sa naitala nitong oras na 1:48:25.24.
“Cycling is back,” ani PhilCycling head Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na sya ring panguko ng Philippine Olympic Committee. “It’s more than a year since we have an official and this competition in Danao City marks our sport’s return.”
“The results showed our cyclists stayed in competitive form even during the pandemic. Everyone wanted to return to action,” ayon naman kay Oscar “Boying” Rodriguez, ang PhilCycling vice chairman at MTB commission head na kasalukuyan ding chairman ng Danao City Sports Commission.
Dalawa namang batang riders ang kinakitaan ng potensyal na mapabilang sa national team.
Una na rito si Gart Gaerlan na nagwagi sa Men’s Junior race (four laps, 12.4 kms) sa tiyempong 1:03.27.73 at si Athena Marie Magpantay, ang Batang Pinoy champion sa Puerto Princesa noong 2018 na nanguna sa Women’s Junior category sa oras na 1:11:11.44.
Narito naman ang mga age group winners: Julius Raphael Cabatingin (11-12), Jhon Andry Labuga (13-14) Gaerlan (15-16) sa boys class at Magpantay (15-16) sa girls’ race.
Susunod na idaraos ng PhilCycling ang National Trials For Road sa Hulyo 9 at 10 sa Clark, Pampanga.
Marivic Awitan