BAGUIO CITY – Nahaharap ngayon sa kaso ang isang pulis, mga empleyado at 124 na mananaya, matapos mahuli sa isinagawang raid ng mga tauhan ng anti-illegal gambling task force at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa isang sugalan sa may Legarda Road, Baguio City.

Ayon kay Regional Information Officer Capt.Marnie Abellanida, ng Police Regional Office-Cordillera, bago isinagawa ang operasyon noong Hunyo 12, ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa reklamo ng concerned citizen kaugnay sa nagaganap na pasugalan sa lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Abellanida, sa 133 katao na nadatnan sa pasugalan ay 124 ang mananaya, kabilang ang isang pulis na nakatalaga sa Regional Highway Patrol Group.

Nakumpiska ng pulisya sa raid ang buong set para sa drop ball (Salisi); mga kards sa pagsusugal; isang flat screen na telebisyon para sa online sabong; mga sari-saring colors chips; bet money na nagkakahalagang P363,170.00; isang Toshiba Laptop; mga papel na naglalaman ng mga numerical figures at mga lamesa at upuan.

Ang mga nahuli ay kinasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1602.

Zaldy Comanda