TUGUEGARAO CITY, Cagayan--- Dahil sa mataas na trust rating ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar, naging usapan na rin sa region 2 at sa iba pang lugar sa bansa na maaari itong itulak sa pagtakbo sa nalalapit na halalan sa 2022.

Naging saksi ang PNP at maging ang publiko kung gaano ito kahigpit sa paglilinis sa hanay ng PNP lalo na sa mga tinatawag na "police scalawags."

Sa nakitang disiplina, may ilan ang naging interesado na malaman kung may plano ba ang PNP chief na sumabak sa politika sa pagtakbo bilang senador at handa itong suportahan ng kanyang mga kabaro.

Sa kanyang pagbisitasa Tuguegarao City Police Station nitong Lunes, deretsahan niyang sinagot ang tanong.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Oh no! wala sa isipan ko 'yan, gusto ko pong itama," ani ni Eleazar.

Ang gusto sa ngayon ng PNP Chief ay maging maayos ang hanay ng PNP at maibalik ang tiwala sa kanila.

Kasabaynito hiningi rin nito ang tulong ng mamamayan na sila ay tulungan para higit na mapabuti ang pagseserbisyo at ayaw niya maapektuhan ang trabaho ng kaniyang mga kabaro .

Sinabi ni Eleazar na mahalaga para sa kanya ngayon na maibalik ang pagtitiwala sa kapulisan at kailangan niya ang tulong ng mamamayan para mas higit na epektibo ang pagseserbisyo.