GENEVA, Switzerland — Limang katao ang namatay nang bumagsak ang glider at isang maliit na eroplano sa Swiss Alps kamakailan, ayon sa pulisya. Iniimbestigahan naman kung kunektado ang dalawang insidente.

Bumagsak sa Piz Neir Mountain, sa silangang bahagi ng Switzerland, ang isang maliit na eroplano na naging sanhi ng pagkamatay ng isang piloto at tatlo pang katao kasama ang isang bata, nitong Sabado, ayon sa pahayag ng regional police sa canton ng Graubunden.

Ang nawasak na eroplano ay natagpuan noong Linggo ng mga rescue workers na naghahanap ng glider na bumagsak na naging sanhi ng pagkamatay ng piloto.

Ang bumagsak na glider ay halos isang kilometrong layo kung saan natagpuan ang eroplano, na mayroong altitude na 2,700 metro na katumbas ng 8,850 na talampakan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Naging imposible sa mga rescue workers ang makapunta sa crash site dahil sa masamang panahon noong natanggap nila ang tawag noong Sabado ng gabi.

Iniimbestigahan ng Swiss Transportation Safety Investigation Board (STSB) ang sanhi ng aksidente at kung mayroong koneksyon sa pagitan ng dalawang insidente.

Agence-France-Presse