Gumaganda ang programming line up ng Kapatid Network or TV5 na mas kilala dati bilang sports channel. In fact, sa TV ratings ngayon, bagama't malayo ang lamang ng GMA, pagdating sa second place, dikit sila ng isa pang Kapuso channel na GTV.

Bago nagsara ang ABS-CBN, ‘di hamak na mababa ang tsansa nila sa ratings game. Pero ngayon, nag-improve talaga ang programming line-up nila. May mga panlaban na silang primetime drama tulad ng “Nino, Nina,” at mga game at talent shows (SingGaling, at ang PoPinoy) na puwede nang ipagmalaki.

'Yun nga lang, blocktimers ang karamihang nagpo-produce nito, at maging ABS-CBN ay napasok na sila. Nariyan ang Viva, ang mga Tuviera, at ang kumpanya ni Albee Benitez.

Noon pa, alam ng marami ang kapasidad ng may-ari ng TV5 kung financial aspect ang pag-uusapan. So, parang walang kulang kung iisipin dahil kung kikilalanin, may mga kapasidad din o talento ang mga nasa likod ng produksiyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

So, ano'ng kulang?

At ang tanong: Kung mabibigyan ba ulit ng franchise ang ABS-CBN, magpatuloy kaya ang magandang programming line up ng TV5 ngayon? Abangan.